Friday, November 14, 2014

"Saturday is Blessed and Holy Day"

Kahalagahan: KAILANGANG BASAHIN!!! 'Lalong-lalo na sa mga nangangaral na araw lamang nga Sabado ang ginawang banal ng Panginoon.'

Tema: Araw ng "Sabado" ang pinagpala ng PANGINOON.

Purihin ang PANGINOONG JESUS CRISTO sa araw na ito, Sabado.
Sa mga kapatiran na nahumaling sa Messianic way of worship dito sa bayang Perlas ng Silanganan, nais ko sanang iparating sa inyo at ipaalala na ang tagpong ito ay nauulit lamang pagkat ito ay nangyari na sa kapanahonan ng Unang Iglesia Cristiano. Nais ng mga Judio na ipailalim sa kautosan ang lahat ng mga Gentil na mahihikayat sa pananampalatayang Cristiano kagaya ng pagpapatuli ng mga lalake at pagsamba sa araw ng Sabado (na ayon sa orihinal na manuscripto ay araw ng pagpapahinga na kilala ngayon sa ating panahon na "rest-day" "RD" "day-off" "off-work" "off-duty" ayon sa industriyang kinaluluklokan).

Ang tugon ng mga Apostoles ng PANGINOONG JESUS sa usaping ito ay nagpadala ng sulat (Gawa 20) sa mga mananampalatayang Critiano na dating mga Gentil---kagayan natin, dating mga Gentil.
22 Nang magkagayon, minabuti ng mga apostol at ng mga matanda gayundin ng buong iglesiya na humirang ng mga lalaking mula sa kanila upang suguin sila sa Antioquia kasama nina Pablo at Bernabe. Sila ay sina Judas na tinatawag na Barsabas at si Silas na mga tagapanguna sa mga kapatid. 23 Sumulat sila ng ganito:
Kaming mga apostol, mga matanda at mga kapatid ay
bumabati sa inyo na aming mga kapatid na nasa mga
Gentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia.
Sumulat kami sapagkat nabalitaan namin na ang
ILANG UMALIS SA AMIN ay GUMUGULO sa inyo sa PAMAMAGITAN
ng mga SALITA. NILILIGALIG nila ang inyong mga kaluluwa
na sinasabi: KALIANGANG kayo ay TULIIN at GANAPIN ang
KAUTUSAN. HINDI KAMI NAGUTOS NG GANITO KANINO MAN
SA KANILA. 25 Kaya minabuti namin ang may pagkakaisang
magsugo sa inyo ng mga hinirang na lalaki. Sila ay kasama
ng aming mga minamahal na Bernabe at Pablo. 26 Sila
ay mga lalaking nagsusuong ng kanilang mga buhay
alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.
27 Kaya nga, sinugo namin sina Judas at Silas. Sila ay
magsasaysay rin naman sa inyo ng gayunding mga bagay.
28 Ito ay sapagkat minabuti ng Banal na Espiritu at minabuti
rin namin na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na
pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan.
29 HUWAG NINYONG KAININ ang mga BAGAY na INIHANDOG sa mga
DIYOS-DIYOSAN, sa DUGO, sa MGA BINIGTI at sa kasalanang
sekswal. Kung iingatan ninyo ang inyong mga sarili mula
sa mga bagay na ito ay makakabuti sa inyo. Paalam na
sa inyo.

Nawa ang Kanyang Espiritu ay pagbuksan ang mga isipan at pananampalataya ng mga Messianic na araw lamang ng Sabado ang pinagpala at ginawang banal ng PANGINOON. Pagkat ang PANGINOON ay nangako ng mga pagpapalang ito para sa mga anak ng Israel, kaya simula noon hanggang ngayon ang literal na lupa ng Israel ay lubos na pinagpala at ang mga pananim ay matataba kahit na hindi nauulanan pagkat sa gabi ay pinapadalhan ng hamog ng ating PANGINOON.

TAYONG MGA DATING GENTIL ay tinawag ayon sa biyaya ni CRISTO at hindi ayon sa kautosan ni Moises.

Eto ang babala ni Apostol Pablo:

Galacia 1:6Ako ay namamangha sa kaparaanan kung bakit napakadali ninyong lumayo mula sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo patungo sa kakaibang uri ng ebanghelyo.


7 HINDI ITO talagang KAKAIBANG EBANGHELYO MALIBAN na may ilang MGA TAO na GUMUGULO sa inyo. IBIG nilang PALITAN ang EBANGHELYO NI CRISTO.

8 SUBALIT KAHIT KAMI o isang ANGHEL man na MULA SA LANGIT ay MANGARAL ng EBANGHELYO na SALUNGAT sa ipinapangaral namin sa inyo, <<Griyego, anathema, na ibig sabihin>> HUWAG NINYONG TANGGAPIN SIYA O ITIWALAG NINYO SA IGLESIA.

9 Gaya ng nasabi na namin noong una pa, SASABIHIN KO ULIT NGAYON: Kung ang SINUMAN ay NANGANGARAL nang SALUNGAT sa EBANGHELYO na inyong NATANGGAP, <<Griyego, anathema, na ibig sabihin>> HUWAG NINYONG TANGGAPIN SIYA O ITIWALAG NINYO SA IGLESIA.

10 Sapagkat hinihikayat ko ba ngayon ang mga tao o ang Diyos? Ako ba ay naghahangad upang magbigay-lugod sa mga tao? Ito ay sapagkat kung sa mga tao pa ako nagbibigay-lugod, hindi na ako dapat maging alipin ni Cristo.

Monday, July 14, 2014

Tirador ng Cristiano

Slingers = Gossiper [Tirador = Pintasero (Chismoso/sa)]

Slingers - ay ang tawag sa mga mandirigma sa sinaunang kapanahonan na gumagamit ng malalaking tirador. Sila ang taga-sira ng sitema ng patubig sa isang saradong bayan sa pamamagitan ng pagtira ng mga bato hanggang sa masira o mabarahan ang bukal na pinanggagalingan nito. At sa ganung pamamaraan, mapipilitan ang saradong bayan na pagbuksan ang kanilang tarangkahan upang makakuha o maayos ang patubig. Yon naman ang magiging hudyat upang makapasok ang nag-aabang na kaaway sa labas ng saradong bayan.

"Si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom. Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay MULA SA LOOB NIYA AY AAGOS ANG MGA ILOG NG TUBIG NA BUHAY." [Juan 7:37-38]
1. Ano raw?

Ayon sa sinabi ng Panginoon, aagos ANG MGA ILOG NG TUBIG NA BUHAY SA MGA TAONG MANINIWALA SA KANYA na ang tawag natin ngayon ay CRISTIANO.

2. Ano ang ibig sabihin nito?

Marami ang makakainom [mapapawi ang uhaw sa katarungan o makakatanggap ng Banal na Espiritu o Banal na Pag-iisip (Juan 4:24, Gr. pneuma Tag. pag-iisip) sa pamamagitan nating mga Cristiano pagkat tayo nga ang daluyan nito].

3. Bakit ba ang init ng mata ng Sanglibotan sa mga Cristiano?

Pagkat isang napakalaking banta ang presencia ng mga Cristiano sa loob ng isang comunidad at maging sa loob ng sambahayan. Ang isang Cristiano [na nagsasamba sa Panginoon sa isip at sa gawa (isip = espiritu at gawa = katotohanan, Juan 4:24) sa loob ng isang pamilya ay kayang maligtas ang buong sambahayan, comunidad, lungsod at bayan.

4. Ano ngayon ang ginagawa ng Diablo upang malihis o kaya ay magapi ang banta sa kanyang adhikaing makapagdala ng maraming kaluluwa sa Dagatdagatang Apoy (Revelations 19:20)?

Sa hindi sinsadyang pangyayari, marami sa loob ng Simbahan ngayon ang nagiging kasangkapan ng Diablo upang mabarahan ang puso ng mga Cristiano. Minsan ang mga mangangaral pa sa loob ng Iglesia ang ginagamit upang mapatigas ang puso ng mga mananampalataya. Paano ko nasabi ang bagay na ito?

HOAX. Masalamangkang pangangaral ng Salita ng Panginoon.
(1) SeedingPagtatanim ng pera bilang punla sa matataba na lupa kagaya ng mga mangangaral o mga pastor. Kasalungat sa Salita ng Panginoon na mababasa sa Lukas 6:27-36, ang ipinapabigay ng Panginoon ay hindi pera, kundi ang awa at habag sa kapwa.
(2) Full Time Ministry. Pagsisilbe sa Panginoon ng buong oras o full time ministry. Sa salitang kalye, KATAMARAN MINISTRY... bakit?

Sinabi ni Apostol Pablo sa mga taga Tesalonica (2 Thes. 3:10) “Hindi kami nakikain kaninuman nang walang bayad. Nagtrabaho kami araw-gabi upang hindi makabigat kaninuman sa inyo. Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatan sa inyong tulong, kundi upang kayo’y bigyan ng halimbawang dapat tularan. Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.” At mahigpit nyang bilin na gayahin sya pagkat sya ay gumagaya kay Cristo (1 Corinto 11:1), at sa 1 Corinto 9 ipinaalam nya sa mga kapatiran doon na meron nga syang karapatan na kumain sa bunga ng mga kapatiran pero binigyan nya ng diin sa talata 15, "Nguni't ako'y hindi gumamit ng anoman sa mga bagay na ito: at hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin; sapagka't mabuti pa sa akin ang mamatay, kay sa pawalang kabuluhan ninoman ang aking karangalan."
 
LEAVEN. Pampaalsa o lebadura ng Escriba, Fariseo, Saduceo at Tagapagturo ng Kautosan
(1) Outward Holiness/Kabanalan sa pananamit. Kasalungat sa Salita ng PANGINOON na Sya ay tumingin sa puso at hindi sa panlabas ng kaayoan (1 Samuel 16:7). At Sya ring sumaway sa mga mapagpaimbabaw, "Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka't inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas." Mateo 23:25-26
(2) Love of the ministry. Pagbibigay ng kahulogan ng pagmamahal sa ministry upang mamanipula ang mananampalataya sa paggawa. Hinid lahat ay may kakayahang mangaral o gumawa para sa ministry pagkat tayo ay may kanya-kanyang ginagampanang gawain sa isang katawan... hindi lahat kamay, paa, ulo o anupaman, pero iisa lang ang ating katawan bilang Cristiano.

Sunday, June 8, 2014

BRIBERY = PROSPERITY PREACHING

PAGSISIWALAT SA KASINUNGALINGANG DALA-DALA NG PROSPERITY PREACHING: [UULIT-ULITIN KO]


Lantad na lantad ang BRIBERY/CORRUPTION sa mga sumusunod:

1. Senador

2. Congreso

3. Governor

4. Mayor

5. Barangay Capitan

6. Barangay Treasurer

At dahil dyan, narinig nyo na ba ang latest? Ang pang-pito ay lantaran na ang kahihiyan sa pang-uuto at panunuhol.....

7. Mga Mangangaral

PAUNAWA: Kilala nyo na ang anim na nakalista, ang nasa pang-pito ay makikilala nyo. Kung ang inyong mga mangangaral ay palaging bukambibig ang pagpapala [PERA, MGA BAGAY NA NATANGGAP, REGALO AT KUNG ANU-ANO PANG NATATANGGAP]... mag-ingat, pagkat ang nais lamang ng mga ito ay ang PERA ninyo!

May pakialam lamang ito sa relasyon mo sa Dios na ating PANGINOON upang makatanggap ng inyong mga PAGPAPALANG pinasyal.

PAALALA: [NAPAKASAKIT NG KATUTOHANAN, PERO ANG MASAKIT NA ITO AY PAGPAPALAYA SA SINUMANG NASASAKTAN O NATAMAAN NG PAGSISIWALAT NA ITO. ANG TAMAAN AY MAGBAGO!]


PERO INIIWASAN NILA AT NAPAPASO sa karugtong ng mga sinabi ng tutuong si Pablo at ang mas piniling tularan ay ang pekeng Pablo ayon sa pita ng kanilang laman.

PAGKAT ANG TUTUONG PABLO AY NAMUHAY AT NANGARAL NA HINDI UMAASA SA PERA NG IGLESIA!

Sabi ni Pablo sa pagpapatuloy ng 1 Corinto 9:

"15Nguni't ako'y hindi gumamit ng anoman sa mga bagay na ito: at hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin; sapagka't mabuti pa sa akin ang mamatay, kay sa pawalang kabuluhan ni
noman ang aking karangalan.

16Sapagka't kung ipinangangaral ko ang evangelio, ay wala akong sukat ipagmapuri; sapagka't ang pangangailangan ay iniatang sa akin; sapagka't sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio.

17Sapagka't kung ito'y gawin ko sa aking sariling kalooban, ay may ganting-pala ako: nguni't kung hindi sa aking sariling kalooban, ay mayroon akong isang pamamahala na ipinagkatiwala sa akin.

18Ano nga kaya ang aking ganting-pala? Na pagka ipinangangaral ko ang evangelio, ay ang evangelio ay maging walang bayad, upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa evangelio."


Kung may kasabihang... "Mag-ingat sa illegal recruiters."

May bago ngayon, "Mag-ingat sa mga prosperity preachers."



Paano ba itatanim ang pera?

BRIBERY!

Taong nagbigay ng suhol: "Bibigyan kita ng pera, pero eto ang kapalit na nais ko."

Cristianong nagbigay ng suhol: "lord, magbibigay ako sa iyong lingkod, pero eto ang gusto kong kapalit..."

SUHOL / BRIBERY AY LAGANAP NGAYON SA SENADO AT SA CONGGRESO at maging sa mababang antas ng pamahalaan... pati ba naman ang Church di makakaligtas!?

CHURCH! Bumangong ka sa kahihiyang dinanas mo at dadanasin mo pa...

CHURCH! Bumalik ka sa katuroan ng Biblia, iwasan at sawayin ang libadura [kalokohang katuroan] ng mga Pariseo, Saduceo at Tagapagturo ng Kautosan.
 — with Louise DawatanTindihan Tao.

HOLINESS [OUTWARD] = PINAPUTING NITSO

Kung ang taong hindi nakakakilala sa Panginoon ang nagkasala: "Okay lang yan, tao lang kasi kaya ganyan yan..."

"Ang mga bakla/tomboy salot talaga ang mga yan." [Salot agad? Dahil ba sa walang ulan? o malakas ang ulan? Sino ba ang mahilig magtapon ng basura sa kalsada.. balat ng candy... upos ng yusi... at magsunog ng basura...???? Sino??? Ang bakla lang ba? ang tomboy lang? ang mga makasalanan lang?]

"Ipako sa krus ang mga bakla!" [Ipako? Nanaman? Bakit? Naipako na kaya si JESUS na naghugas ng ating kasalanan...]

"Korap yan... buhay pa yan pero sunog na ang kaluluwa!" [SUNOG agad? Buhay pa nga, at mahaba pang panahon upang magbago at mapatawad ng PANGINOONG JESUS. Habang may buhay meron tayong pag-asang magbago at mapatawad sa ating mga pagkakasala!"

Ang nakakakilala sa Panginoon pag nakakita ng Cristianong nagkasala: "Ay ano ba yan... Cristiano na yan hah, pero tingnan mo naman ang damit... ganyan ba ang pupunta ng langit?"

Ang saklap ng ugali ng tao... sa loob o sa labas ng Simbahan meron at merong mamimintas sa iyo at magmamaliit sayo.

Si JESUS ay hindi nanghusga: "Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya." Juan 8:7


Sabi ng PANGINOONG JESUS:

Mateo 23:25Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka't inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. 


26Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas.

27Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga MAPAGPAIMBABAW! sapagka't tulad kayo sa mga LIBINGANG PINAPUTI, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal.


Ngayon... MANGHUHUSGA KA PA BA AYON SA PANLABAS NA KAANYOAN?!

oUTWARD hOLINESS pREACHERS! mAG-INGAT! nGIGING EPOKRITO KA NA!


Mateo 7:2Sapagka't sa HATOL na inyong IHAHATOL , ay HAHATULAN kayo: at sa PANUKAT na inyong ISUSUKAT, ay SUSUKATIN kayo.

FALSE ANOINTING = NANG NABAHIRAN NANG PROSPERITY [MONEY] PREACHING

Nakakapanlumong katutohanan ang pagmasdan ang isang tao ng Dios na malugmok sa masalamangkang katuroan ng PROSPERITY PREACHING / PAGTATANIM NG PERA. Nakakapanglumo pagkat ang dating anointing na dumadaloy ay nabarahan na ng masalamangkang katuroan ng pagpapala.

Hindi natin kailangan ng pinansyal na pagpapala, promotion sa trabaho, makatanggap ng regalo/pera, maging milyonaryo, magkaroon ng masaganang buhay upang masukat ang kadakilaan ng Dios na ating PANGINOON na tayo nga ay kanyang pinaghaharian. Hindi rin natin kailangan ng HIMALA upang ibigin ang ating PANGINOON. IIBIGIN natin ang PANGINOON pagkat Siya nga ay ating nag-iisang PANGINOON sa buhay!

Kung ang pagpupunla ng pera sa mga mangangaral ay sukatan ng pagpapala? Saan ba nakasulat? Kung di mo ito masumpungan sa BIBLIA, ito nga isa lamang haka-haka at buong kasinungalingan!

Sabi ng PANGINOONG JESUS: "Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga, kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw."

Kung ang pagtatanim [sa salitang kanto, panunuhol sa mangangaral upang ipanalangin ang nagbibigay] ay biblical kasi isa itong mabuting gawa ng mananampalataya... ano ba ang sinabi ng Profeta Isaias? "Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin."

Ang prosperity preaching [o pagtatanim ng pera sa mga mangangaral kasi daw matatabang lupa] ay isa ngang kalokohan kung susukatin mo ang pagpapala ng tao sa DAMI [sa salitang kanto, tubo] ng pagpapala na tatanggapin [sa salitang kanto, kikitain] nito mula sa pagbibigay niya sa lingkod ng panginoon.

BRIBERY ANG TAWAG DYAN!

Mamili ka... Prosperity [Pera] O ang Relasyon ng mananampalataya sa kanyang Dios na PANGINOON?

Church! Magbago ka na, pagkat nalulugmok ka na sa kahangalan na pampaalsa ng lahi ng mga Pariseo, Saduceo, Escriba at Tagapagturo ng Kautosan. Kalunoslunos ang daranasin mo pagka hindi ka bumalik sa purong Salita ng Panginoon! Bumangon ka Church! Maging malaya ka na!
Ang prosperity preaching ay isa ngang kalokohan kung susukatin mo ang pagpapala ng tao sa tubo na kikitain nito mula sa pagbibigay niya sa lingkod ng panginoon.

Mamili ka... Prosperity [Pera] O ang Relasyon ng mananampalataya sa kanyang Dios na PANGINOON!

HOLINESS [OUTWARD] = PAMPAALSA NG ESCRIBA AT FARISEO

"KILALANIN ANG <Escriba at Fariseo> AT ANG ESPIRITU NITO NA NAKAPULOPOT SA IGLESIA"

1. HYPOCRITES : MGA MAPAGPAIMBABAW. Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, MGA MAPAGPAIMBABAW! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.


2. BLIND GUIDES : MGA TAGAAKAY NA BULAG. Sa aba ninyo, kayong MGA TAGAAKAY NA BULAG, na inyong sinasabi, Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang GINTO ng templo, ay nagkakautang nga siya. Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto?

3. LOVE GIFT PREACHERS : NAGNANAIS LAMANG NG MGA HANDOG. At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang HANDOG na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya. Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o ang dambana na bumabanal sa handog? Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito. At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at yaong tumatahan sa loob nito. Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon.

4. PROSPERITY PREACHERS : MANGANGARAL NG IKAPU AT PINABABAYAANG DI GINAGAWA ANG LALONG MAHALAGANG BAGAY SA KAUTUSAN. Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga MAPAGPAIMBABAW! Sapagka't NAGBIBIGAY KAYO NG IKAPU ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at INYONG PINABABAYAANG DI GINAGAWA ANG LALONG MAHALAGANG BAGAY SA KAUTUSAN, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!

5. OUTWARD HOLINESS PREACHERS : MAHILIG MANGARAL NG KABANALAN SA KASUOTAN. Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka't inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas. Example: Palda, damit na de-kwelyo at mahabang buhok ay palatandaan ng kabanalan ng babae at long sleeve, maiksing buhok at pantalon naman para sa lalake.